November 10, 2021 Dati, 25 years old palang ako nung nasimulang matutong mag-sulat dito. Di ko alintana ang panahon, dahil sa sobrang bilis. Maliban sa parang nag-iskip ka sa dalawang taon ng buhay mo dahil kay COVID 19 eh naging sobrang busy na rin dahil sa career na walang label. Minsan napag-isip-isip ko nakakapagod na. Nakakapagod mag-trabaho dahil sa routine works na ginagawa ko, idagdag pa na nakakasawa na rin makisama sa mga taong may iba't ibang opinyon sa buhay. May mga pagkakataon pa na nalulungkot na ako sa buhay ko, gusto kong umiyak pero kailangan kong maging matatag. Lagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na,"Hoy!, di ka pwede maging mahina dahil walang sasalo sayo". Minsan kapag nagso-scroll ako sa news feeds ko sa facebook (Meta) lalo lang ako nakakaramdam ng sobrang lungkot dahil sila masaya, habang ako sawang sawa na sa kakapanggap na masaya, nakangiti, poker face at mukhang walang emosyon, pero ang totoo ang bigat bigat na sa pakiramdam. Ewan ko nga ba...
Hi Guys! This BLOG serves as my Diary - my life, love, laugh stories. To get to know me better, please check my site. I will actively use my account again. Have fun and comment if you want any recommendations and suggestions. Note: I only write when I’m sad. That’s my most creative and artistic side of me. Ps. If ever your get to read this please don’t judge me cause your not a JUDGE. Haha! Corniest!