“Ang hirap-hirap maging babae”, yan lagi ang sigaw ng isip
ko pagkagising ko sa umaga at bago matulog sa gabi. Paano ba naman kasi, kung
babae ka, ang hirap aminin sa taong gusto mo na gusto mo siya, na mahal siya at
sabihing gusto mo siyang makasama. lalo na kung konserbatibong pamilya ang
iyong pinagmulan, kasi iisipin mo muna ang sasabihin nila bago ka gumawa ng
habang para sa’yong sarili. Hay, kahit ano pa yan basta isipin mo nalang
darating ang panahon na marealize ng mahal mo na ikaw pala talaga ang taong
nakatakda para sa kanya.
May mga
pakakataon nga na gusto ng gumawa ng paraan para mapansin din niya. Kaya lang
nananaig pa rin sa’kin ang mga sinasabi ng mga guro ko nung elementary na: na
ang mga babae daw ang nililigawan, na wag na wag pumunta sa bahay ng lalaki,
magpaligaw sa bahay niyo at hindi sa kalye, at higit sa lahat wag ipahalatang
may gusto ka sa isang lalaki, kasi baka i-take advantage nila ang nararamdaman
mo until it reach to the point na masaktan ka na nila.
Comments