It’s February 15, 2017
Kumusta naman ang valentines day mo kahapon?
Napapaisip kasi ako. Sa dinami dami ng mga nakita kong couples na my hawak na roses at lobo, alam kong merong 1 sa sampung taong na mumukmuk kasi nag iisa sila ngayong araw ng mga puso.
Siguro yung iba naging theme song na pansamantala yung ‘I DON’T WANNA TALK ABOUT IT’ ni Rod Stewart kasi siguradong relate na relate (R na R) tayo sa kanta niya na nagsasabing;
If I stay here just a little bit longer,
If I stay here, won’t you listen to my heart, whoa, heart?’
Hay naku ang sakit, mi-gosh saklap ng buhay natin mga besh!
Pero meron namang tatalon talon sa tuwa ang kanilang mga puso dahil yung theme song nila ay 'I DON’T WANNA LIVE FOREVER’, ni Zayn mi loves at ni Ty Ty, buti pa sila ala Anastasia Steel at Christian Grey (Fifty Shades of Darker -Showing na po) ang peg mga buhay love life nila,.
E tayo?, paano na tayo? Kahit ba salitang tayo hindi ko na harapang masabi sayo kasi baka sabihin mong, 'Hello?,wala nang tayo'. Alam ko yun pero mas masakit pa rin pala talaga pag pinamukha mo sa'kin na ang tayo ay naging ikaw at ako nalang π
Ouch!, minsan ang totoong kailangan lang naman natin is ACCEPTANCE kasi pag-wala ka nun at hoping na lahat kaya mong ibalik sa dati, HELLO! (e di tanga ka) Wag na tayong magpakatanga.Dahil pag-nawala yung dati kadalasan MEMORIES na lang yong natira.
Instead na burahin mo lahat ng messages at pictures niya sa Hide Photo Vault ng cellphone mo, e isave mo nalang lahat sa laptop mo (pang-remembranceπ). Para pag dumating yung araw na ready ka na uling buksan ang pintuan nga puso mo ay hindi mo na kailangang mag-FACTORY RESET π.
Ang pagiging Broken-Hearted π ay isang napakalaking regalo ni Papa GOD sa'tin, yan lang kasi ang paraan Niya para maisalba ka sa maling taong inaakala mong The Right One na yun pala hindi mo namalayan sa kakalakad nakalimutan mo palang tumingin sa Sign (Board) yan tuloy hindi mo naramdamang nag-U Turn ka, akala mo right yun pala LEFT.
Comments