I'm here your there (Long Distance Relationship) feels like...
Halos lahat nag-sasabing ang Long Distance Relationships (LDR) daw hindi nag-wowork. Ang sabi ko naman, saludo ako sa lahat na nasa LDR, kasi nakakaya nilang mag-survive. Hindi lang naman nag-tatagal ang isang relationship kapang isa sa kanila ang piniling mag-bitaw na.
Na-aalala ko noon, ang sabi mo sa'kin, 'baba kaya natin to, basta mag-tiwala ka lang kasi yan lang naman ang pinakamahalaga sa'tin. Yung tiwala mo na kahit malayo tayo sa isa't isa, lagi mong iisipin na mahal na mahal kita at wala ng iba'.
May mga araw na minsan nakakalimutan ko na kung paano mag-tiwala sayo dahil sa selos at pangamba na habang nadito ako at nandyan ka ay may mahanap kang iba, pero kapag nag-uusap tayo gabi-gabi, lagi mong nabubuo ang tiwalang buong puso kong pinag-kaloob sayo sa loob ng mg panahong naamin ko mahal pala kita.
Isang araw, nagising na lang ako na parang yelong kay lamig ang pakitungo mo sa akin, hindi ko alam kung anung nagyari at parang naging tila isang bangungot ang mga araw na aking pag-gising. Bigla na lang nag-iba ang lahat, hindi ko alam kung paanong at sa paanong paraan ka basta na lang bumitaw at iniwan ako sa ereng lutang na lutang. Para bang may bagyong humupa sa iyong damdamin at nag-desisyon kang ako'y iwan at bumitaw ka sa akin ng hindi ko man lang alam.
Sana man lang alam ko, sana man lang ipinaalam mo, kasi hindi naman kita pipigilan. Siguro sa sobrang pag-mamahal, nasasakal ka na, o tagalang may nahanap ka ng iba.
Akala ko dati tayo na talaga, pero bakit hangang ngayon hindi ko pa rin alam ang mga sagot sa tanong na paulit-ulit na sumasaksak sa aking isip.
Nakakabaliw pala talaga ang ganitong pag-ibig, hindi ko pa nga nahawakan ang kamay mo, pero lumayo ka na agad. Akala ko Ikaw na, na ang pag-ibig natin ay forever na, yun pala pag-ibig natin ay pansamantala lang pala
Comments