SPOKEN WORD POETY
(By: Carla Angelic)
Ang
Kwento ng Ikaw at Ako kahit walang TAYO
Gusto kong simulan ang kwento ng ikaw at ako kahit walang
tayo.
Ang kwento ng ikaw at ako kahit walang tayo.
Sa unang tingin,
Sa unang titigan,
Sa unang pagsulyap sa iyong mapangakit na mga mata’y tila
ako’y natataranta.
Dahil kahit ayaw ko mang aminin atraksyon na dulot ng
pagtatagpo ang ating mga mata’y aking alintana,
Malakas, sobrang lakas,
Nakakabingi,
Tibok ng puso ko’y di maintindihan,
Nakakahingal, parang…
Parang may kung anong di maipaliwanag na naghahabulan,
Ni hindi ko nga narinig ang timbre ng boses mo,
Dahil mahal sa una palang talaga ay ramdam ko na agad ang
mapupungay mong mga mata na tila ba’y titig na titig sa puso kong nag-iisa.
Yong tipong nagsusumamo na sana’y pagbigyan at masuklian
ang kakaibang mong nararamdaman/
Na ang tanging hiling lamang na sana’y wag paasahin at wag
sasaktan.
Nong una’y di ako makapagsalita/
At tila ba’y ako’y namatanda/
Dahil una palang talaga ay gusto na din kita/
Mahal gusto na din kita/
Kaya lang/
Kaya lang/
May mga kaya lang/
Natakot ako/
Natakot ako na sa ikalawang pagkakataon mahal ko/
ako’y malito at biglang mapasagot ng oo sa mga tanong mong
nakaka-engganyo/
Na sa tuwing ang iyong mga labi ay may guhit na ngiti ang
kaba’y unti unting napapawi at napapalitan ng saya’t kilig ang puso kong sawi.
Kilig sa tuwing dumadampi ating mga daliri ay parang di ko
mawari kung sinasadya ba o totoong nakatadhana na talaga.
Dahil sa bawat paghaplos mo ng mga palad ko’y tila ako’y
binalot sa kumot.
Binalot sa kumot ng pagmamahal mong gusto suklian kaya
lang,
may mga kaya lang.
Nakakalito pala,
Ganito pala talaga ang pag-ibig…
Damdaming di maipaliwanang.. pero napakasarap…
Nakakalasing,
Nakakaliyo,
Tinalo pa ang tama ng alak sa lakas ng impact.
Kaya naman pala,
Sobrang dami nila…
Sobrang dami nilang nag papakatanga..
Pero…
Pero…
Mahal…
Lumipas ang mga araw,
Bakit?
Bakit parang biglang nag-iba…
Ika’y tila nanlamig na…
Puso ko’y biglang nakaramdam ng hunghang at pangamba…
Parang...
Parang may kung anong bigla rin akong naduwag/
O naninibago lang sa kakaibang nararamdaman,
Sa pag-aalalang ako’y parang pinaglalaruan at pinagpupustahan/
Kaya automatikong parang may yelong bumalot sa aking puso/
Parang biglang nawala ang kilig.
Nawala ang kilig at ako’y napaisip…
Di ko alam kung ako ba’y maiinis sa iyong magmimintis,
Pero hindi ako makatiis,
Dahil sa bawat hagod mo sa mga palad ko’y
Lagi na lang,
Mahal, lagi nalang akong sumusuko,
Umaaasa,
Dumaan ang mga araw,
At sa twing tayong nag-kikita,
Bakit parang wala namang nagiba sating dalawa,
Sadyang hindi lang ba epektibo sa ating dalawa ang social
media?
Isang tanong…
Isang tanong ang gusto kong itanong…
Kaya lang punong puno ng pagaalinlangan…
Dahil baka hindi ko magustohan ang mga sagot sa aking
katanungan,
Katanungan na siyang magiging dahilan para muli akong
masaktan,
Mahal, hindi ko yun napaghandaan,
Dahil hanggang nagyon ako’y patuloy na umaasa kahit wala ka
ng gana…
Patuloy akong umaasa na ang dating inumpisahan sa ikaw at
ako’y magtatapos sa apat na letrang tayo…
Alam kong malabo na…
Dahil batid ko na ang kwentong sinimulan mo sa ikaw at ako
ay mauuwi sa TAYO…
Pero mali pala ako…
Dahil ang akala kong papunta sa kwento ng TAYO,
Ay balewala nalang sayo…
At lahat ang ito’y mauuwi nalang din sa kwento ng ikaw at
ako dahil ang totoo wala namang TAYO
-THE END-
Comments