Skip to main content

Ang kwento ng Ikaw at Ako kahit walang TAYO

Gusto kong simulan ang kwento ng ikaw at ako kahit walang tayo.

Ang kwento ng ikaw at ako kahit walang tayo.
Sa unang tingin,
Sa unang titigan,
Sa unang pagsulyap sa iyong mapangakit na mga mata’y tila ako’y natataranta.
Dahil kahit ayaw ko mang aminin atraksyon na dulot ng pagtatagpo ang ating mga mata’y aking alintana,
Malakas, sobrang lakas,
Nakakabingi,
Tibok ng puso ko’y di maintindihan,
Nakakahingal, parang…
Parang may kung anong di maipaliwanag na naghahabulan,


Ni hindi ko nga narinig ang timbre ng boses mo,
Dahil mahal sa una palang talaga ay ramdam ko na agad ang mapupungay mong mga mata na tila ba’y titig na titig sa puso kong nag-iisa.
Yong tipong nagsusumamo na sana’y pagbigyan at masuklian ang kakaibang mong nararamdaman/
Na ang tanging hiling lamang na sana’y wag paasahin at wag sasaktan.


Nong una’y di ako makapagsalita/
At tila ba’y ako’y namatanda/
Dahil una palang talaga ay gusto na din kita/
Mahal gusto na din kita/
Kaya lang/


Kaya lang/
May mga kaya lang/
Natakot ako/
Natakot ako na sa ikalawang pagkakataon mahal ko/
ako’y malito at biglang mapasagot ng oo sa mga tanong mong nakaka-engganyo/
Na sa tuwing ang iyong mga labi ay may guhit na ngiti ang kaba’y unti unting napapawi at napapalitan ng saya’t kilig ang puso kong sawi.

Kilig sa tuwing dumadampi ating mga daliri ay parang di ko mawari kung sinasadya ba o totoong nakatadhana na talaga.
Dahil sa bawat paghaplos mo ng mga palad ko’y tila ako’y binalot sa kumot.
Binalot sa kumot ng pagmamahal mong gusto suklian kaya lang,
may mga kaya lang.


Nakakalito pala,
Ganito pala talaga ang pag-ibig…
Damdaming di maipaliwanang.. pero napakasarap…
Nakakalasing,
Nakakaliyo,
Tinalo pa ang tama ng alak sa lakas ng impact.
Kaya naman pala,
Sobrang dami nila…
Sobrang dami nilang nag papakatanga..

Pero…
Pero…
Mahal…
Lumipas ang mga araw,
Bakit?
Bakit parang biglang nag-iba…
Ika’y tila nanlamig na…
Puso ko’y biglang nakaramdam ng hunghang at pangamba…
Parang...
Parang may kung anong bigla rin akong naduwag/
O naninibago lang sa kakaibang nararamdaman,
Sa pag-aalalang ako’y parang pinaglalaruan at pinagpupustahan/
Kaya automatikong parang may yelong bumalot sa aking puso/
Parang biglang nawala ang kilig.
Nawala ang kilig at ako’y napaisip…
Di ko alam kung ako ba’y maiinis sa iyong magmimintis,
Pero hindi ako makatiis,
Dahil sa bawat hagod mo sa mga palad ko’y
Lagi na lang,
Mahal, lagi nalang akong sumusuko,
Umaaasa,


Dumaan ang mga araw,
At sa twing tayong nag-kikita,
Bakit parang wala namang nagiba sating dalawa,
Sadyang hindi lang ba epektibo sa ating dalawa ang social media?
Isang tanong…
Isang tanong ang gusto kong itanong…
Kaya lang punong puno ng pagaalinlangan…
Dahil baka hindi ko magustohan ang mga sagot sa aking katanungan,
Katanungan na siyang magiging dahilan para muli akong masaktan,
Mahal, hindi ko yun napaghandaan,
Dahil hanggang nagyon ako’y patuloy na umaasa kahit wala ka ng gana…
Patuloy akong umaasa na ang dating inumpisahan sa ikaw at ako’y magtatapos sa apat na letrang tayo…
Alam kong malabo na…
Dahil batid ko na ang kwentong sinimulan mo sa ikaw at ako ay mauuwi sa TAYO…
Pero mali pala ako…
Dahil ang akala kong papunta sa kwento ng TAYO,
Ay balewala nalang sayo…
At lahat ang ito’y mauuwi nalang din sa kwento ng ikaw at ako dahil ang totoo wala namang TAYO


-THE END-

Comments

Popular posts from this blog

I thought I Finally Found the One

 IKAW?  (Hindi pala...) Three years ago, ng sinimulan ko ang blog site na to. Kasi nga fresh graduate ako from college at isang tambay, at nag-hahanapng mapagka-kaabalahan sa buhay.  Sobrang nag-eenjoy ako nun sa kakagawa ng mga walang saysay na 'essay' lols!, ewan hindi ko alam ang tawag dun. Basta makikita niyo rin sa previous posts ko. June 13, someone added me, sa isang social networking site. Then yun na. I thought I finally found the ONE. My the ONE. Pero akala ko lang pala yun kasi, hanggang three years lang pala. Ang inakala kung pang-matagalan, pang tatlong taon lang pala.  Minsan ayoko ng maniwala sa mga kasabihan na "The longer you wait for something, the more you will appreciate it when it finally arrives" at "Distance gives a a reason to love harder" , hindi ko inakala na instead of appreciate e depreciate pala ang kinalabasan.  Alam mo ang daming tanong na gusto kong mabigyang kasagutan. Hindi ko alam kung bakit pinaabot...

Conversation with Him

5:56 a.m. Hello, Papa God Good Morning! Thank you for today, for another day, another morning and for another life that you gave me, I'm super thankful for everything I have... Thank you for all the blessings, happiness, love and heartaches.😊 I know that you know that these past few months I've been struggling and fighting for something I want. Alam kong alam mo yun, kasi ikaw lang naman ang lagi kong kinakausap. Papa God, ano na? May mga sagot ka na ba sa lahat ng tanong ko? O sumagot ka na kaya lang sa sobrang daldal at pamimilit kong sumagot ka ay hindi ko na narinig. Pwede po bang paki-ulit? 😊 Eto lagi yung mga lines ko pag nag-uusap kami. Lagi ko siyang kausap pagka gising ko sa umaga, bago ako matulog, at especially kapag nag-cocommute ako papuntang trabaho. Kaya ayaw na ayaw kong kinakalabit ako kapag bumabyahe ako. Kasi nadidistruct ako at hindi ko marinig ang mga signs at sagot niya sakin. Heto na ulit ako, ay mali, Heto na naman ako, alam ko pong ang kulit kul...

Hope

Salitang “Move On” ba?, well para sayo yan talaga para matigil ka na. Ilang beses ka na niyang binola, pero hindi mo parin ba dama? O pilit ka lang nag papakatanga? Yan lagi yung mga litaniya ko para sa kanila, na kung iisipin hindi lang naman pala sila, dahil pati sarili ko kailangan ding tumigil na. Tama na! sobrang-sobra na, mag-hanap ka na lang kasi ng iba. Yung deserve ka at deserve mo din siya. H’wag ka na kasing choosy pa, hindi ka naman maganda, kaya makontento ka. Alam kong nahihirapan ka, kasi gustong gusto mo siya pero huli na. Ikaw kasi pinalagpas mo pa. Ang masasabi ko lang sayo tumalikod ka na at iwan mo siya dahil baka pag wala ka na baka maramdaman niya na kailangan ka pala niya. Na sobrang importante ka sa buhay niya.   Mag dasal ka na lang na sana bukas ng umaga sa pag-gising mo ikaw na ang inisip niya, na sana habang natutulog siya ikaw ang nasa panaginip niya (wag sana siyang bangungutin).