Skip to main content

Posts

Showing posts from 2017

NAKARANAS KA NA BA NG DEPRESSION?

Sa mga nakakabasa nito (p.s this is my personal diary) haha! Sino ba namang matino ang gagawa ng isang diary na pwede makita at mabasa ng libo-libong Filipino (Filipino lang kasi hindi naman maiintindihan ng mga banyaga to) haha sorry na lang sila. Well, uhm ano ba, ano ba ang pwede nating pag-usapan sa ngayon? Katangahan ko ba? Kaya lang kaya nga ako napasulat dahi na rin sa isang katangahan, pauli-ulit na lang ba ako? Kasi naman. Nakakainis na! Nakaka-ina na! Alam niyo na man diba na nag-susulat lang ako kapag abot hanggang langit ang saya ako, at pag hindi na matawaran ang lungkot ko na parang gusto ko ng magpalamon sa lupa. Well ang weird ko, baka hindi ko na mamalayan mamaya hindi na pala mabilang ang so at well ko dito. Buti na lang pwedeng li-proof read muna bago ipublish.   Anyways, masaya ako kasi happy ako sa nangyayari sa career ng YouTube Channel ko https://www.youtube.com/channel/UC8pylXZ51G6SDVOds_bKigw eto yung link. Hahaha, plea...

HAVE A TIME FOR YOURSELF (Have a Me time)

Siguro hindi lang naman ako ang may gusto na mag karoon ng ‘me’ time. At paminsan minsan ayaw ko mang maminin pero kinakailangan. Pagkakataong kailangan mo ng inner peace at serenity. Ang pag momove on at acceptance ay dalawa lang sa mga bagay na gudto kong gawin ngayon ang problema ko lang hindi willing makipag coordinate ang puso at isipan ko. Kaya kinakailangan kong mag sulat para mailabas ko lahat. Alam mo naman na sa mga panahaon masaya man o malungkot ako lagi akong nakakapit sayo. Ikaw na nga yata ang bestfriend ko blog! Kasi kapag ganitong masama as in sobra sama na loob ko ikaw lang ang talagang nakikinig sakin. Una hindi naman ako mahilig sa pagbavlog, pero ng makilala kita naging magaan ang lahat sakin. Hahahah kasi kailangan talaga ng isang tao ng someone na nakakaintindi na wag panghuhusga. Tip sa nag susuffer ng depression, mag sulat kayo at idivert niyo ang attention niyo sa iba.

ANG LUNGKOT-LUNGKOT KO...

Sa buhay, may mga bagay na kailangan mong pag isipan, at meron ding nangangailangan ng mabilisang kasagutan.  Pag dumating tayo sa mga ganitong sitwasyon, dapat kailangan mong nanindigan, mag bigay ng opinyon sa tamang desisyon at sa tamang panahon. Kasi merong mga taong nag bibigay ng mapanghusgang titig kahit walang sapat na kaalaman sa isyung hindi mabigyang solusyon. Tama! Hindi lahat nga tao nakakaintindi lalo na kung sarado sila sa posibilidad na tama ka nga. Pero paminsan minsan, dahil dala na rin ng hindi mapigilang emosyon. Nakakaligataan mo na ang rule na nakaukit sa iyong isipan. Ang mag validate and confirm if tama nga. If tama ba talaga.  Dala rin ng emosyong nararamdaman ko ngayon ang pag bugso ng isang desisyong gusto ko ng ipag sigawan. Na tama na dahil AYAW KO NA.  Pasensya na dahil nag kamali ako ng ISA. At salamat dahil iyong nakita.  P.s. ang blog na to ay dala lang ng agos ng ulan sa mabagyong panahon.💦🌊💧☔️⛈🌩🌨🌧...

Conversation with Him

5:56 a.m. Hello, Papa God Good Morning! Thank you for today, for another day, another morning and for another life that you gave me, I'm super thankful for everything I have... Thank you for all the blessings, happiness, love and heartaches.😊 I know that you know that these past few months I've been struggling and fighting for something I want. Alam kong alam mo yun, kasi ikaw lang naman ang lagi kong kinakausap. Papa God, ano na? May mga sagot ka na ba sa lahat ng tanong ko? O sumagot ka na kaya lang sa sobrang daldal at pamimilit kong sumagot ka ay hindi ko na narinig. Pwede po bang paki-ulit? 😊 Eto lagi yung mga lines ko pag nag-uusap kami. Lagi ko siyang kausap pagka gising ko sa umaga, bago ako matulog, at especially kapag nag-cocommute ako papuntang trabaho. Kaya ayaw na ayaw kong kinakalabit ako kapag bumabyahe ako. Kasi nadidistruct ako at hindi ko marinig ang mga signs at sagot niya sakin. Heto na ulit ako, ay mali, Heto na naman ako, alam ko pong ang kulit kul...

Long Distance Relationship

I'm here your there (Long Distance Relationship) feels like...   Halos lahat nag-sasabing ang Long Distance Relationships (LDR) daw hindi nag-wowork. Ang sabi ko naman, saludo ako sa lahat na nasa LDR, kasi nakakaya nilang mag-survive. Hindi lang naman nag-tatagal ang isang relationship kapang isa sa kanila ang piniling mag-bitaw na. Na-aalala ko noon, ang sabi mo sa'kin, 'baba kaya natin to, basta mag-tiwala ka lang kasi yan lang naman ang pinakamahalaga sa'tin. Yung tiwala mo na kahit malayo tayo sa isa't isa, lagi mong iisipin na mahal na mahal kita at wala ng iba'.  May mga araw na minsan nakakalimutan ko na kung paano mag-tiwala sayo dahil sa selos at pangamba na habang nadito ako at nandyan ka ay may mahanap kang iba, pero kapag nag-uusap tayo gabi-gabi, lagi mong nabubuo ang tiwalang buong puso kong pinag-kaloob sayo sa loob ng mg panahong naamin ko mahal pala kita. Isang araw, nagising na lang ako na parang yelong kay lamig ang pakit...

The Art of Letting Go

I'm letting you go! Sa loob ng ilang buwan, sa wakas natanggap ko na. Na wala na talaga, hindi ko na mababalik pa ang mga araw na mahal natin ang isa't-isa. Akala ko nung una sobrang madali ang kalimutan ka, pero ang hirap pala. Sa pag-lipas ng mga buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo hindi ka nawala sa puso't isip ko, kasi dala-dala ko pa rin sa aking alala ang mga sandaling tayo'y sobrang saya, na  nakalimutan na atin yung iba. Dati na-iinis ako sa mga babaeng nag-papakatanga, nag-lulupasay kaka-iyak at nag-mamakaawang balikan ng tarantadong EX-boyfriend nila, ngayon 'I feel you' na ang comment ko para sa kanila. Kung bakit kasi kailangan pa nating mag-hanap ng taong nakatadhana para sa'tin. Sana kasi walang ng 'Hide n' seek', yan tuloy sa kakahanap at kakatago hindi natin maiiwasan na may masasaktan at masaktan. Ngayon na-iintindihan ko na ang sila. Sabi nga ng kanta ' be week if you want to love ', pero lagi kang mag-t...

Hope

Salitang “Move On” ba?, well para sayo yan talaga para matigil ka na. Ilang beses ka na niyang binola, pero hindi mo parin ba dama? O pilit ka lang nag papakatanga? Yan lagi yung mga litaniya ko para sa kanila, na kung iisipin hindi lang naman pala sila, dahil pati sarili ko kailangan ding tumigil na. Tama na! sobrang-sobra na, mag-hanap ka na lang kasi ng iba. Yung deserve ka at deserve mo din siya. H’wag ka na kasing choosy pa, hindi ka naman maganda, kaya makontento ka. Alam kong nahihirapan ka, kasi gustong gusto mo siya pero huli na. Ikaw kasi pinalagpas mo pa. Ang masasabi ko lang sayo tumalikod ka na at iwan mo siya dahil baka pag wala ka na baka maramdaman niya na kailangan ka pala niya. Na sobrang importante ka sa buhay niya.   Mag dasal ka na lang na sana bukas ng umaga sa pag-gising mo ikaw na ang inisip niya, na sana habang natutulog siya ikaw ang nasa panaginip niya (wag sana siyang bangungutin).

Sa Fairy Tale lang may Forever

Hindi naman ako bitter, sa totoo lang isa ako sa mga taong believer sa forev er at happy endings, naniniwala ako na lahat ng tao ay patungo sa Road to Happiness and Forever and ever after.   Alam ko namang walang relationships na puro happiness lang, minsan kailangan din nating dumaan sa rough situations to test kung totoo ngang pure love yung nararamdaman mo (baka kasi fake)😆.  Lagi lang nating tatandaan na 'Never allow your heart to rule over your head', kahit nagmamahal ka wag mo paring kalimutang gamitin si isip wag laging si puso (dahil baka ma-usog ka) at mag-tira para sa sarili mo. Kung nadapa ka man minsan,  matuto kang tumayo mag-isa wag laging asa, kasi pagtatawanan ka muna nila kaya kailangan ready ka. Kung naranasan mong umiyak na halos mapuno ang isang drum, tumingin ka sa salamin, punasan mo ang mga kristal na nagbabadyang tumulo sa iyong mga mata. Kasi, hindi ka pinalaki ng mama at papa mo para paiyakin lang nila. 

Valentines Day Special (TheRealTalk)

 It’s February 15, 2017 Kumusta naman ang valentines day mo kahapon? Napapaisip kasi ako. Sa dinami dami ng mga nakita kong couples na my hawak na roses at lobo, alam kong merong 1 sa sampung taong na mumukmuk kasi nag iisa sila ngayong araw ng mga puso. Siguro yung iba naging theme song na pansamantala yung ‘I DON’T WANNA TALK ABOUT IT’ ni Rod Stewart kasi siguradong relate na relate (R na R) tayo sa kanta niya na nagsasabing; 'I don’t want to talk about it, how you broke my heart. If I stay here just a little bit longer, If I stay here, won’t you listen to my heart, whoa, heart?’ Hay naku ang sakit, mi-gosh saklap ng buhay natin mga besh! Pero meron namang tatalon talon sa tuwa ang kanilang mga puso dahil yung theme song nila ay 'I DON’T WANNA LIVE FOREVER’, ni Zayn mi loves at ni Ty Ty, buti pa sila ala Anastasia Steel at Christian Grey (Fifty Shades of Darker -Showing na po) ang peg mga buhay love life nila,. E tayo?, paano na tayo? ...