Skip to main content

Unspoken Words: MALING AKALA

Sa pag-mulat ng aking mga mata para sa bagong umaga,
Kaaya-aya mong mukha ang nagpapaganda sa araw kong di malaman kung nakatadhanang panghabang buhay ka na nga ba.

Naaalala ko nung tayo'y unang nagkakilala,
Di ko matanging ako'y nabighani na sa mga ngiping bumati sa akin ng magandang umaga.
At sa paglipas ng mga taong tayo'y nag-sama,
Saya't pagmamahal ang pumuno sa aking munting puso,

Araw-araw,
Araw-araw at taon ang lumipas,
Lumalalim at naging matatag ang pagmamahalan natin,
Oo, natin,
Pero ang akala ko palang natin ay naging akin na lang.


Hindi ko maintindihan, ni hindi ko maipaliwanag,
Ang araw-araw kong sobrang saya,
Ng biglang unti-unting namu-o ang mga luha ang aking  mga mata,
Sa mga pakakataong ako'y nag-iisa,
Hindi ko mapigilang umiyak,
Umiyak ng umiyak hanggang sa wala na akong mailuha.


Katanungan
Katanungang hindi kayang bigyang kasagutan.

Sobrang sakit, Sobrang sakit,
Dahil ang inakala kong panghabang-buhay nauwi sa isang nakaraan parang ayaw ko ng balikan.


Comments

Popular posts from this blog

I thought I Finally Found the One

 IKAW?  (Hindi pala...) Three years ago, ng sinimulan ko ang blog site na to. Kasi nga fresh graduate ako from college at isang tambay, at nag-hahanapng mapagka-kaabalahan sa buhay.  Sobrang nag-eenjoy ako nun sa kakagawa ng mga walang saysay na 'essay' lols!, ewan hindi ko alam ang tawag dun. Basta makikita niyo rin sa previous posts ko. June 13, someone added me, sa isang social networking site. Then yun na. I thought I finally found the ONE. My the ONE. Pero akala ko lang pala yun kasi, hanggang three years lang pala. Ang inakala kung pang-matagalan, pang tatlong taon lang pala.  Minsan ayoko ng maniwala sa mga kasabihan na "The longer you wait for something, the more you will appreciate it when it finally arrives" at "Distance gives a a reason to love harder" , hindi ko inakala na instead of appreciate e depreciate pala ang kinalabasan.  Alam mo ang daming tanong na gusto kong mabigyang kasagutan. Hindi ko alam kung bakit pinaabot...

Conversation with Him

5:56 a.m. Hello, Papa God Good Morning! Thank you for today, for another day, another morning and for another life that you gave me, I'm super thankful for everything I have... Thank you for all the blessings, happiness, love and heartaches.😊 I know that you know that these past few months I've been struggling and fighting for something I want. Alam kong alam mo yun, kasi ikaw lang naman ang lagi kong kinakausap. Papa God, ano na? May mga sagot ka na ba sa lahat ng tanong ko? O sumagot ka na kaya lang sa sobrang daldal at pamimilit kong sumagot ka ay hindi ko na narinig. Pwede po bang paki-ulit? 😊 Eto lagi yung mga lines ko pag nag-uusap kami. Lagi ko siyang kausap pagka gising ko sa umaga, bago ako matulog, at especially kapag nag-cocommute ako papuntang trabaho. Kaya ayaw na ayaw kong kinakalabit ako kapag bumabyahe ako. Kasi nadidistruct ako at hindi ko marinig ang mga signs at sagot niya sakin. Heto na ulit ako, ay mali, Heto na naman ako, alam ko pong ang kulit kul...

Nakakapagod na!

November 10, 2021 Dati, 25 years old palang ako nung nasimulang matutong mag-sulat dito. Di ko alintana ang panahon, dahil sa sobrang bilis. Maliban sa parang nag-iskip ka sa dalawang taon ng buhay mo dahil kay COVID 19 eh naging sobrang busy na rin dahil sa career na walang label. Minsan napag-isip-isip ko nakakapagod na. Nakakapagod mag-trabaho dahil sa routine works na ginagawa ko, idagdag pa na nakakasawa na rin makisama sa mga taong may iba't ibang opinyon sa buhay.   May mga pagkakataon pa na nalulungkot na ako sa buhay ko, gusto kong umiyak pero kailangan kong maging matatag. Lagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na,"Hoy!, di ka pwede maging mahina dahil walang sasalo sayo".  Minsan kapag nagso-scroll ako sa news feeds ko sa facebook (Meta) lalo lang ako nakakaramdam ng sobrang lungkot dahil sila masaya, habang ako sawang sawa na sa kakapanggap na masaya, nakangiti, poker face at mukhang walang emosyon, pero ang totoo ang bigat bigat na sa pakiramdam. Ewan ko nga ba...