Talento,
Talento na kalimitang makikita sa isang ordinaryong tao
Na kadalasa’y pilit na itinatago, sa kadahilanang baka hindi magustohan ng mga tao.
Taong mapanghusga sa mga gawain ng kapwa tao.
Ayaw mapahiya o ayaw lang mag pakita,
Na kahit sa bahaghari parang ayaw ring ilathala,
Sa katotohanang ayaw mahusgahan, ayaw masaktan o mapagsabihan,
Pero ang hindi nila alam, sila ay biniyayaan.
Tama!
Sila ay biniyayaan, talentong kailan ma’y di pwedeng pakawalan.
Gamitin para sa karangalan at hindi sa kawalang hiyaan.
Salamat at ikay namulat, namulat sa katotohanan.
Na lahat tayo’y espesyal,
Espesyal nguint sa kakaibang paraan.
Hindi ka man marunong kumanta, sumayaw at sumulat ng tula,
Pero marunong ka namang mag rap o gumuhit sapat na yan para ikaw ay taguriang extra-ordinaryo, kakaiba;
Kakaiba, na hindi kayang pantayan ng iba.
Kakaiba, na hindi kayang pantayan ng iba.
Kakaiba sa paraang kaiingitan rin ng iba.
Kakaiba na kahit turuan mo pa sila, hindi pa rin nila kayang makuha.
Tandaan mo,
Sayo lang ipinagpala,
Ang talentong kinaiingitan nila.
Kaya ipakita mo,
Ibahagi sa iba,
Being different is Good.
(Hahaha! Choss!...)
Nag susulat ako pag mainit ang ulo ko. Hahah pero nakukuha ko pa ring matawa.
Comments