Nakakatuwang isipin na ang title ng aking blog site is 'Admit It! Every Women Wants to have a Boyfriend'!
Almost 5 years na ng sinimulan ko ang Blog site na to. And as per experience, nakakatuwa na sa loob ng 5 years ganito pala ang mga nararamdaman ko sa mga araw na nagpopost ako.
Alam niyo na yun, nag-popost lang naman ako kapag ang masama ang loob ko, malungkot ang nararamdaman ko at masaya.
Sa Blogging, dito ko nailalabas lahat, nakukwento ko sa inyo yong very honest opinion ko, hindi ko na iniisip ang posibleng reactions ng mga taong gaya mo na nakakabasa nito. Unlike, kung sa Vlogging maliban sa takot akong majudge ng iba sa physical na itsura ko, and once naipost ko na ang video sa YouTube hindi mo na maeedit pero pag sa blog kaya mo pang idelete and edit. (haha)
For me, okay lang naman ang open, honest but harmless criticisms, makakatulong yun para mas magkaroon ka ng motivation to strive and grind hard. Ako kasi kapag merong challenge akong dapat harapin, hinaharap ko talaga, oo at first nasasaktan ako but kinakailangan ko lang munang ng 'me time', unang-una gusto ko lang mapag-isa, mag-muk-muk, mag-isip (ng malalim) at i-accept nalang, then move-on. Ganyan lang ako, and since wala ako masyadong nakakausap,eto nalang ang nagiging outlet ko. Ang mag-sulat, ng kahit na ano.
Samalat kasi merong platform kung saan ka pwedeng magshare ng thoughts and feelings. (Open nga pala dito ang criticism (mean critic? well, okay lang pa-try naman) hahaha, nga palanakatikim na kong sabihan ng stupid at pa-bebe.
Comments