Skip to main content

Posts

Recent posts

Nakakapagod na!

November 10, 2021 Dati, 25 years old palang ako nung nasimulang matutong mag-sulat dito. Di ko alintana ang panahon, dahil sa sobrang bilis. Maliban sa parang nag-iskip ka sa dalawang taon ng buhay mo dahil kay COVID 19 eh naging sobrang busy na rin dahil sa career na walang label. Minsan napag-isip-isip ko nakakapagod na. Nakakapagod mag-trabaho dahil sa routine works na ginagawa ko, idagdag pa na nakakasawa na rin makisama sa mga taong may iba't ibang opinyon sa buhay.   May mga pagkakataon pa na nalulungkot na ako sa buhay ko, gusto kong umiyak pero kailangan kong maging matatag. Lagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na,"Hoy!, di ka pwede maging mahina dahil walang sasalo sayo".  Minsan kapag nagso-scroll ako sa news feeds ko sa facebook (Meta) lalo lang ako nakakaramdam ng sobrang lungkot dahil sila masaya, habang ako sawang sawa na sa kakapanggap na masaya, nakangiti, poker face at mukhang walang emosyon, pero ang totoo ang bigat bigat na sa pakiramdam. Ewan ko nga ba...

To My Ex Internet Love

I’m sorry if my overthinking makes me difficult to love that opted you to pull back. When our oxymoron world gives me the things that is so good to be true, that overwhelming happiness, Instantly makes me got suspicious. I’m sorry if I become a bit distant and silent after that smallest thing that goes wrong. I’m sorry if it seems like I’m always over reacting to simple things that makes me immature. I’ve been trying to follow my head to guard my heart because I’ve been hurt before, so bad, that leads me to pick up my broken pieces for years. And I’m scared that it’s going to happen again, or shall I say it is happening again.  I’m scared that you’re going to leave. I’m scared that you’re going to break me bigtime like the once I had before. So, I’m sorry if my overthinking makes me difficult to love and that makes you unloved me (or not really). I’m sorry, because I really thought you are the risk that I will always take. And, I really tried my best but I guess my best wasn't good...

Ang Kwento ng Ikaw at Ako kahit walang TAYO

SPOKEN WORD POETY (By: Carla Angelic) Ang Kwento ng Ikaw at Ako kahit walang TAYO Gusto kong simulan ang kwento ng ikaw at ako kahit walang tayo. Ang kwento ng ikaw at ako kahit walang tayo. Sa unang tingin, Sa unang titigan, Sa unang pagsulyap sa iyong mapangakit na mga mata’y tila ako’y natataranta. Dahil kahit ayaw ko mang aminin atraksyon na dulot ng pagtatagpo ang ating mga mata’y aking alintana, Malakas, sobrang lakas, Nakakabingi, Tibok ng puso ko’y di maintindihan, Nakakahingal, parang… Parang may kung anong di maipaliwanag na naghahabulan, Ni hindi ko nga narinig ang timbre ng boses mo, Dahil mahal sa una palang talaga ay ramdam ko na agad ang mapupungay mong mga mata na tila ba’y titig na titig sa puso kong nag-iisa. Yong tipong nagsusumamo na sana’y pagbigyan at masuklian ang kakaibang mong nararamdaman/ Na ang tanging hiling lamang na sana’y wag paasahin at wag sasaktan. Nong una’y di ako makapagsalita/ At tila ba’y ako...

Unspoken Word Poetry: Pait at Sakit

Tatlong taon na ang nakaraan, Pero parang kahapon lang ang nagdaan, Damdamin ko'y pilit pinipigilan, Dahil ako'y takot ng masaktan, Akala ko okay na, Akala ko tapos na, Pero kaninang umaga, Ng minulat ko ang aking mga mata, Larawan mo ang nakikita sa aking gunita, Mga labi mong kay pula, Mga ngiti mong tila hindi nababahiran ng kahit ano mang problema, Oh! Bakit ganito ang pag-ibig? Pait at sakit, Parang kailangan ko na ng yelong pampamanhid ng damdamin kong umiinit. Oh kay lupit! Pait at sakit, Parang ayoko ng maulit, Kasi baka paulit-ulit na naman ang sakit. -streetfoods [please]  

Unspoken Words: TALENTO

Talento, Talento na kalimitang makikita sa isang ordinaryong tao Na kadalasa’y pilit na itinatago, sa kadahilanang baka hindi magustohan ng mga tao. Taong mapanghusga sa mga gawain ng kapwa tao. Ayaw mapahiya o ayaw lang mag pakita, Na kahit sa bahaghari parang ayaw ring ilathala, Sa katotohanang ayaw mahusgahan, ayaw masaktan o mapagsabihan, Pero ang hindi nila alam, sila ay biniyayaan. Tama! Sila ay biniyayaan, talentong kailan ma’y di pwedeng  pakawalan. Gamitin para sa karangalan at hindi sa kawalang hiyaan. Salamat at ikay namulat, namulat sa katotohanan. Na lahat tayo’y espesyal, Espesyal nguint sa kakaibang paraan. Hindi ka man marunong kumanta, sumayaw at sumulat ng tula, Pero marunong ka namang mag rap o gumuhit sapat na yan para ikaw ay taguriang extra-ordinaryo, kakaiba; Kakaiba, na hindi kayang pantayan ng iba. Kakaiba sa paraang kaiingitan rin ng iba. Kakaiba na kahit turuan mo pa sila, hindi pa rin nila kayang makuha. T...

Unspoken Words: MALING AKALA

Sa pag-mulat ng aking mga mata para sa bagong umaga, Kaaya-aya mong mukha ang nagpapaganda sa araw kong di malaman kung nakatadhanang panghabang buhay ka na nga ba. Naaalala ko nung tayo'y unang nagkakilala, Di ko matanging ako'y nabighani na sa mga ngiping bumati sa akin ng magandang umaga. At sa paglipas ng mga taong tayo'y nag-sama, Saya't pagmamahal ang pumuno sa aking munting puso, Araw-araw, Araw-araw at taon ang lumipas, Lumalalim at naging matatag ang pagmamahalan natin, Oo, natin, Pero ang akala ko palang natin ay naging akin na lang. Hindi ko maintindihan, ni hindi ko maipaliwanag, Ang araw-araw kong sobrang saya, Ng biglang unti-unting namu-o ang mga luha ang aking  mga mata, Sa mga pakakataong ako'y nag-iisa, Hindi ko mapigilang umiyak, Umiyak ng umiyak hanggang sa wala na akong mailuha. Katanungan Katanungang hindi kayang bigyang kasagutan. Sobrang sakit, Sobrang sakit, Dahil ang inakala kong panghabang-buhay nauwi sa isang na...