Skip to main content

Posts

Showing posts from 2018

Unspoken Words: TALENTO

Talento, Talento na kalimitang makikita sa isang ordinaryong tao Na kadalasa’y pilit na itinatago, sa kadahilanang baka hindi magustohan ng mga tao. Taong mapanghusga sa mga gawain ng kapwa tao. Ayaw mapahiya o ayaw lang mag pakita, Na kahit sa bahaghari parang ayaw ring ilathala, Sa katotohanang ayaw mahusgahan, ayaw masaktan o mapagsabihan, Pero ang hindi nila alam, sila ay biniyayaan. Tama! Sila ay biniyayaan, talentong kailan ma’y di pwedeng  pakawalan. Gamitin para sa karangalan at hindi sa kawalang hiyaan. Salamat at ikay namulat, namulat sa katotohanan. Na lahat tayo’y espesyal, Espesyal nguint sa kakaibang paraan. Hindi ka man marunong kumanta, sumayaw at sumulat ng tula, Pero marunong ka namang mag rap o gumuhit sapat na yan para ikaw ay taguriang extra-ordinaryo, kakaiba; Kakaiba, na hindi kayang pantayan ng iba. Kakaiba sa paraang kaiingitan rin ng iba. Kakaiba na kahit turuan mo pa sila, hindi pa rin nila kayang makuha. T...

Unspoken Words: MALING AKALA

Sa pag-mulat ng aking mga mata para sa bagong umaga, Kaaya-aya mong mukha ang nagpapaganda sa araw kong di malaman kung nakatadhanang panghabang buhay ka na nga ba. Naaalala ko nung tayo'y unang nagkakilala, Di ko matanging ako'y nabighani na sa mga ngiping bumati sa akin ng magandang umaga. At sa paglipas ng mga taong tayo'y nag-sama, Saya't pagmamahal ang pumuno sa aking munting puso, Araw-araw, Araw-araw at taon ang lumipas, Lumalalim at naging matatag ang pagmamahalan natin, Oo, natin, Pero ang akala ko palang natin ay naging akin na lang. Hindi ko maintindihan, ni hindi ko maipaliwanag, Ang araw-araw kong sobrang saya, Ng biglang unti-unting namu-o ang mga luha ang aking  mga mata, Sa mga pakakataong ako'y nag-iisa, Hindi ko mapigilang umiyak, Umiyak ng umiyak hanggang sa wala na akong mailuha. Katanungan Katanungang hindi kayang bigyang kasagutan. Sobrang sakit, Sobrang sakit, Dahil ang inakala kong panghabang-buhay nauwi sa isang na...

Wag ka ng mag-expect

Nag-expect ka na ba? Yung tipong akala mo okay na? Na akala mo di mo na kailangan mag-alala? Na kayo pa? Pero sa huli pina-asa kalang pala. Dahil ang totoo, yung akala mong iyo pag-aari na pala ng iba. Masakit mang tanggapin ang katotohanan, pero wala, eto na talaga ang totoong mundo. Akoyong sabihing masyado ka kasing nag-expect kaya sa huli talo ka, talong talo ka. Kahit saang anggulo mang tingnan. Kasi umasa ka e. Sa buhay talaga, kailangan wag mag-expect, kasi wala ka namang super powers na makakaya mong ipredict na bukas okay pa, baka kasi bukas wala na. Na ang mga taong inaakala mong karamay mo sa pag harap ng laban sa buhay ay mawawala na rin na parang bula. Na sa isang pag kisap ng iyong mga mata’y unti unti silang nalulusaw sa iyong paningin. Na para bang usok na pinawi na ng mga hangin. Tama! Masakit mag expect, sinasabi ko to hindi dahil sa totoong hindi ako nag eexpect, oo!, tama ka indenial ako sa possibleng mangyari sa buhay ko, pero ang gusto ko lang magi...

HATER’s Gonna HATE!

As usual, nakakapagod! Nakakapagod pa rin, pero kailangan magpatuloy... Naranasan mo na ba to? Yung feeling na akala namimis-interpret ka ng iba? Na tipng akala nila nag-mamagaling ka? Na para bang pakiramdam nila inaagawan sila? Kasi ako, Oo, nararamdaman ko to ngayon. At sana lang 🤞🏻 Mali ang pakiramdam ko na to. Masakit kasi, dahil kaibigan. Pagkaibigan mo ko binibigay ko lahat, yung tipong pati akin pag-aari mo na rin. Pero bakit ganon? Akala ko kasi okay, na okay lang yun pala hindi. Sa loob-loob pala nila ay! Isa kang dakilang pabida. Eto ang kadalasang rason kung bakit lagi kong ina-isolate ang sarili ko sa tao. Sobrang bilis ko kasi mag tiwala at mabilis pa ko sa kidlad magpatawad. Ako na yata ang isang makakapag patunay na time heals all wounds. Napaka-forgiving ko, na minsan inaabuso na ng iba. Kung ako ang tatanungin mo, marami o konting kaibigan, mas pipiliin ko na konti lang sila at least matututokan ko silang lahat. Nakakalungkot lang kasi na marami ka...

My Thoughts

Nakakatuwang isipin na ang title ng aking blog site is 'Admit It! Every Women Wants to have a Boyfriend'! Almost 5 years na ng sinimulan ko ang Blog site na to. And as per experience, nakakatuwa na sa loob ng 5 years ganito pala ang mga nararamdaman ko sa mga araw na nagpopost ako. Alam niyo  na yun, nag-popost lang naman ako kapag ang masama ang loob ko, malungkot ang nararamdaman ko at masaya.  Sa Blogging, dito ko nailalabas lahat, nakukwento ko sa inyo yong very honest opinion ko, hindi ko na iniisip ang posibleng reactions ng mga taong gaya mo na nakakabasa nito. Unlike, kung sa Vlogging maliban sa takot akong majudge ng iba sa physical na itsura ko, and once naipost ko na ang video sa YouTube hindi mo na maeedit pero pag sa blog kaya mo pang idelete and edit. (haha) For me, okay lang naman ang open, honest but harmless criticisms, makakatulong yun para mas magkaroon ka ng motivation to strive and grind hard. Ako kasi kapag merong challenge akong dapat ha...

NAIINTINDIHAN KITA LOGAN PAUL

Another thoughts from me. Kasi I realized nung inopen ko yung YouTube App ko, unang-una hinanap ko talaga if may updated video na ba si Logan Paul, kasi. It’s been what?, 8 or 9 days na hindi na siya nag-uupload ng mga bagong vlogs noya.  And the reason behind kung bakit pansamantala siya g nawala sa lime light eh dahil dun sa video niya na Japan na suicide forest, kung saan may nakita silang isang lalake na naka lambitin, nag suicide. At isinama yun ni Logan sa Vlog niya, ipinakita niya ang nag-uubeng kamay ng lalaki. Ang mali lang sa video is parang nagtatawanan pa sila.  Kaya marami sa mga Netizen, follower at vloggers ang ng bigay ng kanilang iba’ ibang opinion tungkol dun, na naging dahilan ng pag tigil ni Logan sa pag didaily vlogs. My honest opinion naman: -Unang-una para sakin, kasi napanood ko yung video na yun bago pa binanatan ng batikos at dinelete  ni Logan, as a viewer wala akong nakitang malicious siguro kasi hindi ko masyadong binigayan...